TIP#6: HOW-HOW WOULD I KNOW IF MY BOY IS BADING?

Hulyo 5, 2008

Dear HHDC EX-pert,

Narinig ko kanina na naglalaro ang mga pamangkin kong lalaki kasama ang panganay kong anak na lalaki rin, si Junior na 9-years old. Nagulat ako dahil may kinakanta sila na pamilyar sa akin pero iba mga lyrics. Sabi nila:

“Bubukesh and floweret. Jojosok ang reynabelz.
Shochurva ng cha-cha. Pa-jembot-jembot fah.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.”

Napasuntok ako sa pader. Kinabahan ako bigla dahil bago ang araw na ito, nagpapabili sa akin ang anak ko ng Barbie Doll. Tapos ngayon, narinig ko siya nagsasalita ng “Shorva” at “Chenes”? Anak ng pating! Bakla kaya ang anak ko?

Rocco Baroko ng Bangkusay, Tondo

Sagot ni EX-masahista:

My dear Rocco, madaling malaman kung bading ang junior mo hindi. Sa mga susunod na araw pakinggan mo pa ang mga kinanata at nilalaro nila at kung maririnig mo ang mga sumusunod, tanggapin mo na lang ng maluwag sa dibdid na ang iyong Junior ay malamang mahilig din sa “junior”.

Malamang napanood nila ang isang episode ng Bubble Gang kaya inspired sila ngayon. I know I am.

NAALALA MO BA ANG LARONG ITO?
Sasara ang bulaklak. Bubuka ang bulaklak.
Papasok ang reyna. Sasayaw ng cha-cha.
Boom-tiyaya-boom. Tiyaya-boom. Ti-yeah-yeah.
Boom-tiyaya-boom. Tiyaya-boom. Ti-yeah-yeah.
Ah-boom!

BINAKLA NA NGAYON:
Bubukesh and floweret. Jojosok ang reynabelz.
Shochurva ng cha-cha. Pa-jembot-jembot fah.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.
Ah-vush!

EH, ANG CLASSIC ‘PENPEN DE SARAPEN” NOON?
Penpen de Sarapen, de kutsilyo de almasen.
How, how de carabao, batuten.
Pipit namamalipit. Ginto-pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat.
Sayang pula, tatlong pera. Sayang puti, tatlong salapi.
Bugbog. Manggang hinog.

‘ETO ANG REVIVAL GAY VERSION:
Pen pen de chorvaloo. De kemerloo. De eklavoo.
Hao, hao de chenelyn. De big yuten!
Sfriti! Dapat iipit. Goldness-filak na chumuchorva
Sa tabi ng chenes.
Shoyang fula, talong na fula.
Shoyang fute, talong na mafute.
Chuk-chak chenes. Namo uz ek!

ANG “TAGUAN-PUNG” NOON:
Tagu-taguan sa ilalim ng buwan.
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo!
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu!
Handa man o hindi, ‘eto na ako.

BAKLA NA RIN NGAYON:
Shogu-shoguan, ningning galore ang buwan.
Pang-counting ng krompu, naka-shogu na kayey:
Jisa, krolawa, shotlo, kyopat, jima,
Kyonim, nyitoert, walochi, syamert, krompu!
Mga beki andetrax na si atashi!

AYOS!? ‘Eto ang matitibay na ebidensiya, Rocco. Kaya let’s be proud and be loud!

Gays have taken over the world!

CLICK THE ‘PANGET’ PICTURE BELOW TO SEE THE TRUTH!

 


TIP#5: HOW-HOW TO MAKE IT RAIN AGAIN AND AGAIN

Hulyo 5, 2008

Dear HHDC EX-pert,

Mahilig ako sa paghahalaman. Ito ang aking pinagkakakitaan. Maganda ang aking negosyo. Bukod kasi sa nakapagpapaligaya ito ng mga tao (sabi nila nawawala pansamantala ang problema nila ‘pag nakakatikim sila ng aking tindang halaman at tawa sila nang tawa) ay nakakatulong pa ako sa environment. Malaki rin ang aking kinikita rito. Ang problema ko, naimbitahan ako ng mga awtoridad na magbakasyon muna sa isang resort sa may bandang Alabang ng anim na taon. Hindi ko ngayon alam kung papaano madidiligan ang mga halaman ko. Wala namang magdidilig sa kanila dahil nasa nakatagong lugar ko sila itinanim. Walang nakakaalam ng lugar. Kawawa naman ang negosyo ko ‘pag nagkataon. Bigyan n’yo po ako ng solusyon.

Bob M. ng Pasay City

Sagot ni EX-magsasaka:

Nakakapanghinayang nga ang negosyo mo kung mapapabayaan mo. Kawawa ang mga napapaligaya mong tao at lalo na ang kalikasan. Pero kung hindi mo na mapo-postpone ang pagbabakasyon mo, ‘eto ang solusyon na maipapayo ko. Gawin mo ito bago ka pumunta sa resort:

1. MAGHANAP KA NG DALAWANG PALAKA. Siguraduhin mong isang lalaki at isang babae ang pares. Siguraduhin mong hindi sila Reed Frogs na magpapalit ng sex (tanungin mo na lang sila kung Reed Frogs sila).

2. KUMUHA KA NG MAGANDANG PLATO. Dito mo sila ilalagay habang nagge-getting-to-know each other sila. Ipakilala mo sila sa isa’t isa. Example: “Froggy, ito si Fraggy… Fraggy, ito si Froggy… sayaw kayo ha?”

3. KUMUHA KA NG MAGANDANG PANYOLITO- handkerchief ang tawag ditto sa Ingles. Ibalot mo ang isang palaka sa panyo. Ito ang magiging bridal gown ng babaeng palaka. Bridal gown? Sige na, magkamot ka muna ng ulo habang nagtatanong bago mo basahin ang susunod.

4. PUMUNTA SA KA SA ISANG MALAPIT NA ILOG. Hawak ang platito na may isang babaeng palaka (na naka-bridal gown) at isang lalaking palaka, lumusong ka sa ilog at sumigaw ka nang malakas: “Do you take this frog to be your lawful husband?” Dapat sumagot ang dalawang palaka ng “I do” or “Ko-KAK!” para maging legal ang lahat.

5. PAKAWALAN MO SILA PARA MAGPARAMI. Pagkatapos ng kasal, pakawalan mo sila sa ilog para mag-honeymoon. Maligo ka na rin at hugasan mo ang mga kamay mo bago ka magka-kulugo.

6. Look up in the sky and WAIT FOR RAIN.

Note: Naaalala mo ba, Bob, ‘yung kasabihan ‘pag biglang umulan sa katanghaliang-tapat na mainit na mainit ang araw: “Umulan bigla, siguro may ikinakasal na palaka?!”

‘Eto yun. << CLICK THIS.