Our So-Called EX-perts

Our Mission:

DUMARATING ba ang pagkakataon na hindi mo alam ang gagawin sa isang situwasyong hindi mo alam kung papaano mo kinapasukan? ‘Eto ang mga solusyon kung papaano maglabas-masok sa mga butas ng situwasyong ganire. Mga TIPS mula sa mga eksperto (meaning: nagmamagaling) naming mga kasama dito sa HHDC (How How Da Carabao) Main Office, sa Bocaue, Bulakan, kung saan makikita ang 17th Wonder of the World ang “Bocaue Rice Terraces.”

Our EX-perts:

1. Isang masahista- Galing sa maynila. EX-call boy na sa sobrang dami ng bading na “minasahe” ay naging bading na rin. Mahilig na rin siyang magpamasahe sa call boy ngayon.

 

2. Isang magsasaka- EX-farmer na ibinenta ang lupain sa realtors at ngayon ay nangungulekta na lang ng mga uod sa lupa para ibenta sa mga mangingisdang-ilog dito sa amin.

 

 

3. Isang manginginom- EX-pired. Pinakamagaling sa grupo kaso laging lasing kaya walang sagot na magaling. Tumulong daw siya sa pagsusulat ng lyrics sa kanta ng Hotdog na “Beh, Bote Nga.”

 

4. Isang magnanakaw- EX-magnanakaw ngayo’y pulitiko (may pinag-iba ba?).  Siya ang kasalukuyang Kapitan ng aming baranggay na dating Mayor ng isa sa mga kulungan dito. Nangangarap na siyang maging Mayor naman ng aming Municipalidad.

 

5. Isang maestro- EX-propesor sa Numero Unong Unibersidad sa Pilipinas, ang AMA (siya ang may sabi nito, hindi ako). B.A, M.A. PhD holder at part-time doctor ng mga dokumento sa Recto.

 

At si Ako… EX-cuse me. Taga-type lang ako ng mga isasagot nila. Kaya labas ako kung ano man ang kahihinatnan ng kalokohang ito.

 

Our Vision:

“Tama o Mali man ang Tanong ay nararapat na magkaroon ng Tama at Mali ring Sagot”

Mag-iwan ng Tugon