TIP#8: HOW-HOW CAN I SING WHILE I’M LASHING?

Hulyo 25, 2008

Dear HHDC EX-pert:

Na-inspire po ako sa kuwento ni Arnel Pineda ( see: Tip#7 )Isa rin po akong aspiring rock singer pero mahilig po ako sa alak. Sabi po ng fans ko masama raw ang alak sa boses? Sagot ko po naman, bakit ‘yung mga nagra-rock en roll puro lashenggo pero magagaling pa ring kumanta… ‘gaya po nu’ng dating lead singer ng Siakol. Idol ko po ‘yun sobra, so okey lang pong uminom habang kumakanta, ‘di ba?

Mario ng Bohol

Shagot ni EX-lashenggo:

Pareng Mario, okey lang uminom; walang masama sa alak. Magpakalunod ka ‘gaya ng idol mo– at ‘eto na siya ngayon (may nakuha kaming video niya), kumakanta pa rin siya ng “Laklak” sa mga konsert para may pambili pang-”tuhma”. At oo, umiinom pa rin siya ng “sirbisa.”

(Paki-click na lang ‘yung picture para umandar)


Tip # 2: HOW-HOW NOT TO BE LASING WHEN DRINKING

Hulyo 2, 2008
Dear HHDC EX-pert:
Pinag-aaral po akong uminom ng maraming alak ng mga kaibigan kong lasenggo. Ang problema ko, lagi akong nalalasing kahit ayaw ko. Ayoko naman silang ma-disappoint. May paraan ba na uminom nang marami pero hindi ako malalasing para hindi magagalit sa akin ang mga kaibigan ko?
Miguelito ng San Andres, Pasig

     Sagot ni EX-lasenggo:

      Dear San Miguel, este, Miguel: Ang laki ng problema mo: Ayaw mong malasing, ayaw mong magalit ang mga kaibigan mong lasenggo pero gusto mong uminom? Subukan mo na lang ito habang hindi sila nakatingin:

1.    Ilalagay mo ang buong laman ng isang bote ng beer sa isang baso.

2.    Ipakita mo sa mga kaibigan mo na umiinom ka sa baso, pero ’wag mong lululunin; ipunin mo ang beer sa loob ng pisngi mo.

3.    Tapos kunwari, inom ka ulit sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay mo sa baso, remember?)

4.    Ibuga mo ngayon pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi mo.

5.    Repeat this pattern all night.

Kung may makakahalata, ibuga mo na lang sa mukha ng mga kaibigan mo ‘yung beer para iwasan ka na nila.