Dear San Miguel, este, Miguel: Ang laki ng problema mo: Ayaw mong malasing, ayaw mong magalit ang mga kaibigan mong lasenggo pero gusto mong uminom? Subukan mo na lang ito habang hindi sila nakatingin:
1. Ilalagay mo ang buong laman ng isang bote ng beer sa isang baso.
2. Ipakita mo sa mga kaibigan mo na umiinom ka sa baso, pero ’wag mong lululunin; ipunin mo ang beer sa loob ng pisngi mo.
3. Tapos kunwari, inom ka ulit sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay mo sa baso, remember?)
4. Ibuga mo ngayon pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi mo.
5. Repeat this pattern all night.
Kung may makakahalata, ibuga mo na lang sa mukha ng mga kaibigan mo ‘yung beer para iwasan ka na nila.

Ipinaskil ni kalye11onse