TIP#4: HOW-HOW TO MEET WOMEN NANG HINDI MAPAPAHIYA

Hulyo 4, 2008

Dear HHDC EX-pert,

Nakakahiya naman po sa inyo itong sulat ko. Nahihiya po kasi akong sabihin sa inyo ang aking problema. ‘Wag na lang kaya…  Pero… sige na nga… gusto ko po kasing magka-girlfriend pero nahihiya akong makipagkilala sa mga babae. Pogi po naman ako. ‘Eto po picture ko:

 

Nakipagkilala po ako minsan sa SM  kaso nagtatakbo ‘yung babae at isinumbong ako sa security guard ng mall. Mang-aagaw daw ako ng cell phone. Ang tanong ko po pala: papaano po ba ang tamang paraan ng pakikipagkilala sa babae nang hindi ako mapapahiya?

Valentino ng Quezon City

Sagot ni EX-magnanakaw:

Walanghiya, porke napagbintangan na magnanakaw ng cell phone, sa akin bigla na assign ang letter na ‘to?! Kung sa bagay, experto rin ako riyan sa mga pambobola sa tsiks—bago ko nga kunin ang cell phone nila. Hehe. Okey, Val, bibigyan kita ng step-by-step na instruction, makinig ka (magbasa, ibig kong sabihin):

1. MAKIPAGTITIGAN –Mag-beautiful eyes ka muna sa tina-target mong babae: Ayon sa isa kong syota, isa sa pinakaayaw ng ng girls ay ‘yung may bigla na lang sumusulpot sa likuran nila at nagsasabi ng napakalakas na “MISS, PWEDE BANG MAKIPAGKILALA?! Kahit ikaw rin, kung may complete stranger na lalapit sa ‘yo at nagulat ka, magsususpetsa ka rin agad na masamang tao ito. Kaya umaayaw daw kaagad sila. At oo, tumatakbo nga ‘yung iba.

2. MAGPAPANSIN—Kung hindi tumitingin sa iyo ang target girl, magpapasin ka: Tumawa ka nang malakas at magsalita ka nang malakas (siguraduhin mo lang na may kausap ka kung gagawin mo ito. Baka mapagkamalan kang may topak kung mag-isa ka lang). Magpatawa ka, madapa ka, umubo ka nang malakas. Or magsayaw ka nang kakaiba: kung nagta-breakdance sila sa dancefloor, mag-cha-cha ka bigla. Anything na makakatawag nang pansin, para mapatingin siya sa iyo.

3. MAGPAKIPOT—Kung sa pagpapapansin mo ay mapatingin nga siya, tumingin ka rin lang muna sa kanya ‘tapos biglang iwas ng tingin. Kunwari, hindi mo napansin na nakatingin siya sa iyo. Patikim-tikim lang. ‘Wag ka munang lalapit o magre-react at either natatakot pa rin ‘yan sa iyo o iniisip niyan, KSP ka (dahil malakas kang magsalita), certified loser ka (dahil nadapa ka), may TB ka (dahil malakas kang umubo) o isa kang weirdo (dahil hanggang ngayon cha-cha pa rin ang alam mo). So, take it easy, build-up sexual tension first and wait for the best moment to attack.

4. MAKIPAG-NGITIAN–Pagkatpos ng Step 1 and 2, I’m sure titingin ‘yan ulit, guaranteed. Dagdagan mo ngayon ng ingredient ang sexual tension na ito: Ngumiti ka sa kanya or tumango (parang slight bow, head only), kumindat, mag-double raised eyebrow, o kahit anong movement na mag-a-acknowledge na nakita mong nakatingin din siya sa iyo. Kung gusto ka rin niyan, titingin siya ulit; hindi siya ngingiti pero titingin ‘yan ulit… at ulit… at ulit. Importanteng tandaan mo, never exaggerate: ‘Wag kang magbu-blow ng kiss, or aarte na parang binabaril mo siya with your pointed finger and thumb tapos hihipan mo ‘yung forefinger mo dahil kunwari may usok na lumabas.

5. MAGBILANG– lang beses ka ba niyang tiningnan? Ilang beses mo ba siyang nginitian? Dito mo mage-gauge kung maitataas mo pa ang level ng relasyon ninyong dalawa. Next questions: Ngumingiti ba siya kung tumitingin siya? (Ibig sabihin: “Ang bagal naman nito? Hindi pa ako lapitan.”) Nakasimangot ba siya kung tumitingin ka? (Ibig sabihin: “Ang kapaaaal nang mukha? Feeling nito like ko siya.”) May ibinubulong ba siya sa mga kasama niya? (Ok lang kung babae ang kasama niya, pero kung bumubulong ‘yan sa mga kasama niyang lalaki, tumakbo ka na at ipapabugbog ka na niyan.)

6. MAGLAKAD– … papalapit sa target girl. Kung ngumiti rin ang babae sa iyo (hindi sa lalaki sa likuran mo ha.)– three or more look is GOOD– ito na ang senyales na binibigyan ka niya ng permiso na makipagkilala. Lumapit ka at maglakad nang diretso, show confidence. Keep smiling. Keep your eyes looking straight at her eyes habang iniiwasan mong madapa, mabunggo ang ibang tao o lamesa or worse, maluha ang mga mata mo sa kakatitig. Pwede naming kumurap.

 7. MAGSALITA—Tumigil ka half-an-arms length (28.2 cm—yes, we measured it) from her. Dapat nakangiti ka pa rin at hindi tumutulo ang laway mo dahil ngawit ka na sa kakangiti. Kung may laway ka, punasan mo muna. Pagkatapos, ito na ang perpektong pagkakataon para sabihin ang magic words (a) In Tagalog: “Hi, ako si…” (b) In English: “Hi, I’m…” or (c) Just mention your name: “Procopio Halibaybay…” habang iniaabot mo ang iyong kanang kamay para makipagkamay. DAPAT kang makipagkamay! Touching her hand is FIRST BASE.

The rest is up to you, Valentino!

WARNING: Never say, “Pwede bang makipagkilala…” dahil ‘pag sumagot yan nang “HiNdE!” sayang ang effort mo na magpa pa-cute at sinayang mo lang ang oras ko sa pagta-type nito.

Kung hi-“HiNdE!” siya sa iyo at susungitan ka pa, hablutin mo na lang ang cellphone niya and run towards the nearest exit.


Tip # 2: HOW-HOW NOT TO BE LASING WHEN DRINKING

Hulyo 2, 2008
Dear HHDC EX-pert:
Pinag-aaral po akong uminom ng maraming alak ng mga kaibigan kong lasenggo. Ang problema ko, lagi akong nalalasing kahit ayaw ko. Ayoko naman silang ma-disappoint. May paraan ba na uminom nang marami pero hindi ako malalasing para hindi magagalit sa akin ang mga kaibigan ko?
Miguelito ng San Andres, Pasig

     Sagot ni EX-lasenggo:

      Dear San Miguel, este, Miguel: Ang laki ng problema mo: Ayaw mong malasing, ayaw mong magalit ang mga kaibigan mong lasenggo pero gusto mong uminom? Subukan mo na lang ito habang hindi sila nakatingin:

1.    Ilalagay mo ang buong laman ng isang bote ng beer sa isang baso.

2.    Ipakita mo sa mga kaibigan mo na umiinom ka sa baso, pero ’wag mong lululunin; ipunin mo ang beer sa loob ng pisngi mo.

3.    Tapos kunwari, inom ka ulit sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay mo sa baso, remember?)

4.    Ibuga mo ngayon pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi mo.

5.    Repeat this pattern all night.

Kung may makakahalata, ibuga mo na lang sa mukha ng mga kaibigan mo ‘yung beer para iwasan ka na nila.


Tip # 1: HOW-HOW TO HIDE YOUR BASTOS NA DRAWINGS

Hulyo 2, 2008
Dear HHDC EX-pert,
Magaling po akong mag-drowing. Napaka-realistic. Ang problema ko po marumi po akong mag-drowing. Iniisip n’yo po siguro, eraser lang ang solusyon sa problema ko. Pero hindi n’yo po ako naiintindihan. Marumi po akong mag-drowing… ibig kong sabihin, mahilig po akong mag-drowing ng mga maruming bagay na naiisip ko palagi, mga kabastusan, mga bastos na … parte ng katawan. Kahapon, nahuli ulit ako ng titser ko, si Mr. _____ na nagdodrowing ng b-rat. Nagalit sa akin at kinuha niya ‘yung drowing ko at inilagay sa pitaka niya. ‘Pag inulit ko raw ito, kukunin niya ulit at itatago. Marami na nga siyang naitago sa mga drowing ko, pero hindi pa ako nao-office ng principal. Ewan ko kung bakit. Paano ko po kaya mahihinto ang hobby ko na ito kasi ni hindi ako makakolekta for my portfolio dahil nakukumpiska lang lagi?
From Utoy ng Malabon
Sagot ni Ex-masahista:
Dear Utoy ng Malabon,
Bakit mo ititigil ang isang bagay na nagpapaligaya sa iyo? Magdrowing ka nang magdrowing. Balang araw mapapakinabangan mo ‘yang talento mong iyan. Mahilig din akong magdrowing noong batang bading pa ako. Ngayon, nagdodrowing pa rin ako, pero sa mga mukha ng tao naman, sa pamamagitan ng make-up. At sa sobrang galing ko, hindi pa ako nakakarinig ng reklamo sa mga kliyente ko. Siguro nakakatulong dahil usually nakahiga sila ‘pag mine-makeup-an ko sila at hindi na sila humihinga. At bukod diyan, Utoy, maraming paraan para itago ang mga bastos na drowing. ‘Eto ang isang video na baka makatulong sa iyo. Padalhan mo rin ako ng sample drowings mo ng mga b-rat kung pwede. Matignan lang kung realistic nga.