Tip # 1: HOW-HOW TO HIDE YOUR BASTOS NA DRAWINGS

Hulyo 2, 2008
Dear HHDC EX-pert,
Magaling po akong mag-drowing. Napaka-realistic. Ang problema ko po marumi po akong mag-drowing. Iniisip n’yo po siguro, eraser lang ang solusyon sa problema ko. Pero hindi n’yo po ako naiintindihan. Marumi po akong mag-drowing… ibig kong sabihin, mahilig po akong mag-drowing ng mga maruming bagay na naiisip ko palagi, mga kabastusan, mga bastos na … parte ng katawan. Kahapon, nahuli ulit ako ng titser ko, si Mr. _____ na nagdodrowing ng b-rat. Nagalit sa akin at kinuha niya ‘yung drowing ko at inilagay sa pitaka niya. ‘Pag inulit ko raw ito, kukunin niya ulit at itatago. Marami na nga siyang naitago sa mga drowing ko, pero hindi pa ako nao-office ng principal. Ewan ko kung bakit. Paano ko po kaya mahihinto ang hobby ko na ito kasi ni hindi ako makakolekta for my portfolio dahil nakukumpiska lang lagi?
From Utoy ng Malabon
Sagot ni Ex-masahista:
Dear Utoy ng Malabon,
Bakit mo ititigil ang isang bagay na nagpapaligaya sa iyo? Magdrowing ka nang magdrowing. Balang araw mapapakinabangan mo ‘yang talento mong iyan. Mahilig din akong magdrowing noong batang bading pa ako. Ngayon, nagdodrowing pa rin ako, pero sa mga mukha ng tao naman, sa pamamagitan ng make-up. At sa sobrang galing ko, hindi pa ako nakakarinig ng reklamo sa mga kliyente ko. Siguro nakakatulong dahil usually nakahiga sila ‘pag mine-makeup-an ko sila at hindi na sila humihinga. At bukod diyan, Utoy, maraming paraan para itago ang mga bastos na drowing. ‘Eto ang isang video na baka makatulong sa iyo. Padalhan mo rin ako ng sample drowings mo ng mga b-rat kung pwede. Matignan lang kung realistic nga.